Sumali sa 4th Heroes Run 2015!

TARP001_TAGALOG

Mahilig ka bang tumakbo at sumali sa mga fun run o marathon? Kung oo, pwes sumali  na sa Heroes Run 2015!

Ang Heroes Run 2015 ay ang ika-apat na fun run na ini-organisa ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI), Philippine Military Chapter sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines Educational Benefits System Office (AFPEBSO), na nakatakdang ganapin sa Nobyembre 29 (Sabado).

At ngayong taon, mas pinalaki at pinalawak pa ang nasabing fun run dahil gaganapin ang Heroes Run hindi lang sa Manila at Ilo-ilo kundi sa Davao din.

Sa tema nitong “Maging Bayani Sa Ating Mga Bayani”, layunin ng fun run na makalikom ng pondo para sa mga iskolar ng Armed Forces of the Philippines Educational Benefits System Office (AFPEBSO), isang organisasyon sa AFP na nagbibigay ng educational scholarship programs para sa mga batang naiwan ng ating mga yumaong sundalo pati na rin sa mga sundalong lubos na napuruhan sa digmaan . Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan at katapangan na maipagtanggol an gating bansa.

Sa mga nais sumali, maaaring magparehistro online sa kanilang official website na www.heroesrun.ph o di kaya’y sa kanilang on-site registrations.

Ang malawakang fun run ay maaaring salihan sa iba’t ibang kategorya:

  • 3K (Php 500.00 Registration Fee)
  • 5K (Php 700.00 Registration Fee)
  • 10K (Php 800.00 Registration Fee)
  • 21K (Php 900.00 Registration Fee)

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan lamang sa PMAAAI sa pamamagitan ng kanilang:

Gamitin din ang hashtags na #4thHeroesRun2015 #IAmAHero #MagingBayaniSaAtingMgaBayani

Inaasahan na nasa 5,000 katao ang lalahok sa takbong ito. Kaya’t ano pang hinihintay mo? Sumali na at MAGING BAYANI SA ATING MGA BAYANI!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: